Switch Mode
Home Bulawan

Buod ng Dulang “Bulawan”

ni Corazon Lalu-Santos

 

Magbubukas ang unang tagpo ng dula sa pag-uusap ng dalawang tauhan at magkaibigang sina Poloy at Kaloy. Naghahanap ng literal na bulawan (ginto) si Poloy sa bundok Diwata. Napag-usapan ng magkaibigan ang hirap ng pagiging mahirap kaya naisip nila na bulawan lamang ang sagot sa kanilang suliranin. Habang abala sila sa alalahaning ito, kumakalam din ang kanilang sikmura kung kaya’t namingwit sila ng isda. Nang nililinis na ni Poloy ang isda napansin niya ang bukol nito. Natuklasan niyang bulawan ito. Sa pag-iisip na yayaman na siya, wala siyang bukambibig kundi “Pag-aaralin ko sa Amerika ang aking anak” at “Bibili ako ng kotse.” Nasa isipan naman ni Kaloy na “kailangan nang maunawaan ni Poloy ang lahat.” Hinikayat niya si Poloy na maghukay sila ng butas para makatagpo pa umano ng isa pang bulawan. Nang nakapaghukay na sila, nahulog si Poloy sa butas. Nakatagpo siya rito ng balutan. Hinila siyang paahon ni Kaloy mula sa butas. Kinuha ni Kaloy ang balutan. Ang balutang ito ang sinasabi niyang banal na kasulatan na kapupulutan ng “ginto.”

Sa ikalawang tagpo makikita ang dalawang tauhan na “nagpapalit” ng papel na ginagampanan-naging field reporter si Poloy at naging anchorman naman si Kaloy. Magpapalit ulit sila ng papel bilang isa sa mga lider na aktibista (si Kaloy) at ipapahayag ang lahat ng paghihirap ng hanay ng mga manggagawa. Hanggang sa ang pagpapalit ng katauhan ng dalawa ay mapatungo sa pagiging cultural activist. Pagkatapos umawit at magmartsa, magiging militar naman silang dalawa. Ipakikilala ng mga katauhang militar na ito (nina Poloy at Kaloy) ang kalupitan ng militar.

Sa ikatlong tagpo, magbabago ng papel na ginagampanan bilang si Jaime Cardinal Sin si Poloy. Gamit ito, ipinahayag sa palitan ng diyalogo ng dalawang tauhan ang puna nila sa naganap na rebolusyong EDSA- bilang rebolusyong pinamunuan ng mga mayaman at makapangyarihan na nagmamartsa umano dahil sa kontrol sa ekonomiya at pulitika. Samantala ang mahihirap ay sumisigaw ng kalayaan para sa kanilang kinabukasan. Si Kaloy naman ay magiging lider na humihikayat na pabagsakin at lipulin ang mga NPA at komunista.

Sa ikaapat na tagpo magiging opisyal ng militar si Kaloy samantalang si Poloy naman ay magiging ordinaryong mamamayan. Babatikusin ng kanilang palitang diyalogo ang pangulo ng Pilipinas, AFP chief of staff, at ang pakikipag kuntsabahan ng gobyerno ni Pangulong Corazon Aquino sa pamahalaang Amerikano. Naibunyag na ni Kaloy kay Poloy ang kondisyong panlipunan sa panahon pagkatapos ng rebolusyong EDSA.

ang politikal. Nagwakas ang dula sa katiyakang mag-alala, alam ko na kung

Sa ikalima at panghuling tagpo, habang tahasan nang tinukoy ni Kaloy ano ang tunay na “bulawan”-ang mithi, adhikain, at pangarap ng mamamayan, mabubunyag na si Kaloy pala ay pinaghahanap ng mga militar dahil sa kanyang gawaing ibinigay ni Poloy (kay Kaloy), aniya, “Huwag kang papaanong palaganapin ang bulawan…

Definitio of Terms

  • Bulawan – ginto
  • Mingwit – pagkuha
  • Lipulin– ubusin
  • Komunista – mga taong galing sa ibang bansa
  • Balutan – takluban
Bulawan

Bulawan

Status: Ongoing Type: Author:
 

Comment

Please Login to Comment.

Options

not work with dark mode
Reset